Mga pulis na namatay sa COVID-19, umabot na sa 16

Nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga miyembro ng Philippine National Police na namatay dahil sa COVID- 19, na ngayon ay umabot na sa 16.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, isang 52-anyos na pulis na nakatalaga sa National Admin Support Unit at Police National Training Institute – National Training Center ang nasawi.

Samantala, umabot na sa 3,380 na tauhan ng PNP ang nagpositibo sa COVID-19 matapos madagdagan ng 104 na panibagong kaso.


Sa bilang na ito ay 2,479 ang nakarekober.

Patuloy namang minomonitor ng PNP ang 2,688 suspect cases at 711 probable cases ng COVID-19.

Facebook Comments