Kabuuang Kaso ng COVID-19 sa Region 2, Pumalo sa 2,499

66

Cauayan City, Isabela- Sumampa sa 2, 499 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan matapos madagdagan ng 27 na bagong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of October 20, 2020, muling nakapagtala ang rehiyon ng 27 na new confirmed cases kung saan 16 ang naitala sa Cagayan, 10 sa Isabela at isa (1) sa Santiago City.


Nakapagtala naman ang rehiyon ng 59 na gumaling sa COVID-19; walo (8) mula sa Cagayan, 49 sa Isabela at isa (1) sa Santiago City.

Mula sa 2,499 na total confirmed cases sa rehiyon dos, 521 rito ang aktibo, nasa 1,942 ang total recoveries at 36 ang nasawi.

Facebook Comments