Umabot sa P122.67 billion ang kabuuang kita ng mga bangko sa bansa para sa ikalawang kwarter ng taon.
Base sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat ito ng 42.88% mula sa P85.85 billion noong nakaraang taon.
Bumaba naman ng 1.17% ang total operating income ng mga bangko mula sa P457.085 billion noong 2020 na ngayon ay P451.746 billion na lamang.
Paliwanag ng BSP, ang nasabing pagtaas sa kabuuang kita ng mga bangko ay bunsod ng pag-recover ng ekonomiya mula pandemya at unti-unting pagbubukas muli ng mga negosyo.
Facebook Comments