*Manila, Philippines – Sinisi ng grupong Kadamay ang mga pulis na nagpasimuno ng kaguluhan sa nakaambang na demolisyon sa Pasig City.*
*Sa interview ng RMN, sinabi ni Kadamay Chairperson Bea Arellano, nakatanggap sila ng sulat na i-dedemolish ang mga bahay sa East Bank Road Floodway kaya sila napasugod doon.*
*Aniya, nais lang naman nilang ayusin at ibigay na ng gobyerno ang lupa sa 6,000 nilang mga miyembro.*
*Giit pa ni Arellano, mahihirapan ang mga residente doon kapag dinala sila sa relocation site sa Calauan, Laguna dahil malalayo sila sa kanilang trabaho.*
*Kinumpirma naman ni Arellano na 41 miyembro nila kabilang ang mga menor de edad ang hinuli at kinasuhan ng illegal assembly, physical injury at direct assault to properties.*
Facebook Comments