Kadete ng Maritime Academy, patay sa parusa ng kanilang instructor

Patay ang isang kadete ng isang maritime school sa Laguna matapos na ito ay parusahan ng kanilang instructor.

Kinilala ang biktima na si Cadet Vince Andrew Delos Reyes, 19 years old, tubong Baco, Oriental, Mindoro at student cadet sa NYK-TDG Maritime Academy sa Canlubang, Calamba City, Laguna.

Sa inisyal na report ng Calamba City police, nangyari ang insidente nitong Lunes, July 8, kung saan matapos kumain ng hapunan, kasama ng biktima ang apat pang kaklaseng kadete at nagpapahinga na sa kanilang barracks nang ipatawag ito ng kanilang instructor dahil umano sa nagawa nitong offense.


Aksidente kasing nakapag-react ng thumbs-up ang biktima sa kanilang conversation sa messaging group chat ng mga kadete.

Bilang punishment, pinag-physical exercises ito ng kaniyang instructor, subalit sa katagalan, nakaramdam ito ng pangangapos ng hininga hanggang sa tuluyang mahimatay.

Agad itong binigyan ng CPR subalit dahil sa panghihina ng pulso kaya isinugod na ang kadete sa ospital.

Subalit, idineklarang dead on arrival sa Global Care Medical Center Canlubang.

Inaresto naman ang instructor nito na ngayon ay nakaditene sa Calamba City police at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Facebook Comments