Monday, April 27, 2026

PBBM, inatasan ang DTI na tiyakin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng pagkain

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan at tiyakin ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng pagkain sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, pinatitibay ng Pangulo ang direktang ugnayan sa mga manufacturer upang matiyak ang sapat na suplay sa merkado.

Nagsagawa na rin ng inspeksyon ang DTI sa mga grocery at pabrika, kabilang ang mga gumagawa ng canned goods, at napag-alamang sapat ang suplay ng pagkain para tumagal ng isang buwan o higit pa.

Saklaw nito ang mga pangunahing bilihin at produktong nasa ilalim ng price monitoring ng ahensya.

Giit ng DTI, mahalagang mapanatiling sapat ang imbentaryo upang matiyak na may mabibili ang publiko sa abot-kayang presyo.

Facebook Comments