Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo sa San Jose Del Monte Bulacan.
Aabot sa 50 mga nagbebenta mula sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE) at maging sellers mula sa Local Government Unit (LGU) ng San Jose del Monte, Bulacan ang nakiisa sa Kadiwa program.
Ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang Kadiwa ng Pangulo para makapagbigay ng accessible at murang pangunahing bilihin sa mga Pilipino.
Ito ay sa harap na rin ng epekto ng global inflation sa mga Pilipino.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, sa pamamagitan ng daan-daang outlets nationwide ng Kadiwa ng Pangulo, maraming Pilipinong mangingisda, magsasaka at mga maliliit na negosyo ang kumikita sa pamamagitan ng direct farm-to-market consumer trade.
Mula nang simulang ilunsad ang Kadiwa ng Pangulo noong Pebrero, umabot na sa P5.3 milyon ang kabuaang kita at inaasahang tataas pa ito dahil maraming Kadiwa outlets pa ang ilulunsad sa bansa ngayong taon.