PITX, naglunsad ng bagong ruta at ‘Libreng Sakay’ sa loob ng 1 buwan

Naglunsad ng bagong ruta ng biyahe ang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at libreng sakay sa ilang destinasyon.

Ayon sa pamunuan ng PITX, umarangkada na simula ang biyahe para sa rutang Aseana City loop sa Paranaque at Pasay.

Ang mga biyahe ay dadaan sa malalaking mall sa lugar maging sa mga pangunahing lansangan.


Bukod dito, may free ride o libre ang pamasahe sa unang buwan ng operasyon ng ruta mula hanggang May 17.

Ang rutang Aseana Loop ay magsisimula sa Gate 7 ng PITX, at may operasyon Lunes hanggang Biyernes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments