Patuloy na nag-aalok ang Agribusiness and Marketing Assistance Division ng mas mura at sariwang ani ng sakahan na direktang ibinebenta ng mga magsasaka at iba pang negosyante sa pamamagitan ng “KADIWA ng Pasko” ng Department of Agriculture Ilocos Region.
Isa sa mga highlight ng Kadiwa retail selling ngayong buwan ay ang mas abot-kayang bigas na ibinebenta sa halagang P25 kada kilo lamang ng NFA.
Ayon kay Ms. Corazon Valdez ng AMAD, ang inisyatiba na ito ay katuwang ng Department of Trade and Industry, Department of Interior and Local Government, DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, DA-National Food Authority at DA-Philippine Carabao Center.
Ani Valdez, sa panahon ng Yuletide, nais ng ahensya na tulungan ang mga magsasaka, micro, small, and medium enterprises (MSMEs), at food processor na ibenta ang kanilang mga produkto sa mas mababang presyo sa mga mamimili.
Ang mga mamimili ay maaari ding bumili ng mga sariwang produkto ng isda ng BFAR, manok, ham, prutas at gulay at iba pang value-added products.
Ang KADIWA ng Pasko ay bukas tuwing Huwebes habang ang AMAD’s One-Stop-Agribusiness-Center ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes. |ifmnews
Facebook Comments