Pinag-aaralan ng pamahalaan na gawin nang araw-araw ang “Kadiwa ng Pasko” kung saan murang ibinibenta ang iba’t ibang agricultural products, tulad ng bigas, asukal, manok, at gulay.
Sa ngayon kasi tuwing araw lang ng sahod isinasagawa ang Kadiwa ng Pasko sa ilang lugar sa Metro Manila at lalawigan.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Usec. Kristine Evangelista, inaaalam pa nila kung saang mga lugar posibleng gawing araw-araw ang “Kadiwa ng Pasko.”
Samantala, sinabi ni Evangelista na itutuloy rin nila ang programa kahit tapos na ang Pasko alinsunod sa naunang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos.
Nabatid na nasa 14 na ang Kadiwa stores sa buong bansa, kung saan 11 dito ang nasa Metro Manila.
Facebook Comments