Cauayan City, Isabela- Aabot sa 100 residente ang nakinabang sa Kadiwa ni Ani at Kita Community Pantry ng Department of Agriculture (DA) sa Barangay Lingu, Solana, Cagayan.
Personal na pinangunahan ni DA Regional Executive Director Narciso A. Edillo ang aktibidad kung saan inaasahang gagawin din ito sa iba pang probinsya.
Ilan sa napakinabangan ng mga residente ay iba’t ibang klase ng gulay, mga itlog at grocery items mula sa mga vegetable growers mula sa Peñablanca, Solana, at Roxas.
Ngayong hapon, iikot ang community pantry team ng ahensya sa iba pang barangay ng Tuguegarao City at inaasahang sa susunod na linggo ay sa iba’t ibang lugar na rin sa rehiyon.
Facebook Comments