Ayon kay Ma. Rosario Paccarangan, DA RFO 2 AMAD Chief, biniyahe ng mga Kadiwa trucks ang mga gulay galing sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal, Inc (NVAT) at dinala sa mga KADIWA outlets sa Poblacion, Baggao, Gadu, Solana, Bical, Penablanca at Libertad, Abulug.
Aniya, ang mga produkto sa Kadiwa ay 20 hanggang 30 porsyentong mas mura dahil hindi na babayaran ng mga mamimili ang transportation costs.
Sinabi naman ni Ginang Edna Bautista, Manager ng Gadu Rural Improvement Club sa Gadu, Solana, hindi lamang ang mga mamimili ang mabebenipisyuhan ng Kawida Wheels kundi pati na rin ang mga magsasaka at mga entrepreneurs para maibenta ang kanilang mga ani at iba pang mga produkto.
Dagdag pa niya, murang mabibili ang mga produkto at makakasigurado na ang mga gulay ay sariwa at ligtas para sa ikonsumo.
May kabuuang 1600kgs ng iba’t ibang gulay na nagkakahalaga ng P45,978 ang nabenta sa Kadiwa Wheels ngayong araw.
Ang mga kooperatiba at asosasyon naman na nag re-retail ng mga gulay ay ang Gadu RIC sa Solana, Sto Domingo MPC sa Baggao, Penture Farmers Agri Coop sa Penablanca, Tayak Agri Fishery Producers Association sa Abulug, at Alliance sa Small Farmers and Workers for Allacapan.