Kadiwa Rolling Store, lilibot sa 2 barangay sa Maynila ngayong araw

Patuloy ang serbisyong hatid ng Kadiwa Rolling Store para sa mga mamimili sa Maynila ngayong araw.

Abangan ito sa Brgy. 694, Zone 75, sa Leon Guinto St., kanto ng Gen. Malvar St.

Gayundin sa Brgy. 733, Zone 81, Dagonoy St. kanto ng Singalong St. o sa harap mismo ng Barangay Hall.


Ang nasabing serbisyo ay nagsisimula sa ganap na alas-7:00 ngayong umaga.

Kabilang sa mga partners ng Manila City Government sa nasabing program ang Department of Agriculture, Tinapayan Festival, San Miguel Food Corp., Original Dagupan Boneless Bangus at Igorot Corporation.

Facebook Comments