Chinese National, arestado dahil sa umano’y iligal na pagbebenta at pagdidistribute ng Chinese medicine sa Parañaque City

65

Arestado ang isang Chinese National matapos ang ikinasang entrapment operation sa Branco Avenue, Parañaque City.

Kinilala itong si Yan Wang na umano’y iligal na nagbebenta at nagdidistribute ng mga Chinese brand medicines, medical supplies at medical devices.

Sa ulat ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), nakuha ng mga tauhan ng CIDG Anti-Transnational Crimes Unit (ATCU) kasama ang ilang representative mula sa Food and Drugs Administration (FDA) sa naarestong Chinese ang iba’t ibang klase ng gamot, medical supplies na may Chinese markings.

Isinagawa ang entrapment operation sa isang medical clinic at store sa Ground Floor ng Solemare Tower D sa Branco Avenue, Parañaque City.

Sa ngayon, nahaharap na ang suspek na Chinese National sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009.

Facebook Comments