Kadiwa store, bubuksan sa Maynila

Bubuksan na ng Department of Agriculture (DA) ang Kadiwa Stores sa Metro Manila.

Ibinebenta rito ang murang bigas at iba pang agricultural commodities na direktang ibinebenta ng mga magsasaka.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – nakipag-usap na siya kay Manila Mayor Isko Moreno para buhayin ang Kadiwa Store sa lungsod para magbenta ng murang bigas bago maubos ang stock ng NFA rice sa Setyembre.


Maliban sa bigas, ibinebenta rito ang mga prutas, gulay, isda, manufacture, processed o packaged food products.

Facebook Comments