650, patay sa pagbaha dulot ng monsoon rains sa South Asia

Umabot na sa higit 650 katao ang nasawi dahil sa matinding pagbaha at kidlat sa mga bansa sa South Asia.

Ito ay dulot ng monsoon rains.

Sa India, nasa 467 ang nasawi, 90 sa Nepal, 97 sa Bangladesh at 30 sa Pakistan.


Higit sa 10 milyong tao sa South Asian Countries ang apektado ng pagbaha kung saan libu-libo na ang inilikas.

Isinisisi ang kawalan ng pagpaplano o paghahanda sa kalamidad, kakulangan sa drainage facilities at mabagal na relief operations para sa mga casualties.

Facebook Comments