Manila, Philippines – Tiniyak ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na popondohan sa ilalim ng 2018 budget ang mga kagamitan at armas ng mga law enforcement agencies sa bansa.
Ito ay kaugnay sa engkwentro sa pagitan ng AFP-PNP at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Bohol noong nakaraang Linggo.
Layunin ng dagdag na pondo ang pagpapatuloy sa paglaban sa terorismo.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, hiniling na niya sa AFP, PNP, Philippine Coast Guard (PCG), at iba pang law enforcement at national security agencies na tukuyin ang mga kinakailangan equipment at imprastraktura para matupad ang kanilang layunin na sugpuin ang terorismo.
Dahil dito kaya tiniyak ni Speaker sa publiko na lahat ng pangangailangan ng militar at law enforcement agencies ay maibibigay, fully equipped at sapat na mapopondohan para mabigyan ng proteksyon ang mga baybaying dagat at matiyak din ang kaligtasan hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng mga turista.