Kagamitan para sa pag-detect ng bagong variant ng COVID-19, may pagkukunan na ng pondo

Suportado ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng Department of Health (DOH) ng ₱362 million para sa genome sequencing na teknolohiya para ma-detect ang bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Go, nakausap na niya si Health Secretary Francisco Duque hinggil sa kailangan nilang dagdag na pondo dahil hindi aniya akalain na may darating na bagong UK variant kaya ang mga testing kaugnay nito ay hindi pa kasali sa 2021 budget.

Ayon kay Go, maaaring kunin sa contingency fund ng Executive Department ang pondo para sa genome sequencing.


Iginiit ni Go na dapat nang masimulan at maipagpatuloy ang testing sa bagong variant para mapigilan na mahawaan nito ang mas nakararami.

Facebook Comments