Cauayan City, Isabela – Bibigyan ng pansin ng Cauayan City Disaster Risk Reduction Management Office o CDRRMO ang mga kagamitan ng bawat barangay sa lungsod sa pagresponde ng mga hindi inaasahang sakuna.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Zarina Albano, ang Designated Research and Planning Officer ng CDRRMO na titingnan ang mga gamit sa pagresponde ng bawat barangay upang malaman at makita kung kakayanin ng kanilang mga kagamitan ang pagresponde sa anumang sakuna sa kanilang barangay.
Sa katunayan umano ay noong nakaraang taon pa sinuri ang mga kagamitan ng bawat barangay kung saan ay may kakayahan naman na magresponde ngunit hindi rin umano maiiwasan na may kakulangan parin o may kailangang ayusin.
Isa na umano dito ang paglalagay ng Barangay Emergency Operation Center bilang opisina na may nakatalaga at magdamag na tauhan.