Magsasaka sa City of Ilagan, Pinagbabaril ng Isang Karpentero!

City of Ilagan – Pinagbabaril ng isang karpentero ang magsasaka kamakailan sa Cabiseria 14-16, San Antonio, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Chergy Adisas, tatlumput isang taong gulang, may asawa, samantala ang bumaril ay kinilala na si Gerry Agcaoili, apatnapu’t apat na taong gulang at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa impormasyon ng PNP Ilagan, dumalo sa isang okasyon ang biktima at ang suspek sa kanilang lugar at nakipag-inuman.


Habang nag-iinuman ay nagkaroon umano ng hindi pagkakaintindihan ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril si Agcaoili at binaril ang biktima gamit ang 12 gauge shot.

Dinala agad sa isang pagamutan si Adisas para sa karampatang lunas habang boluntaryong sumuko sa kapulisan ang suspek maging ang ginamit na baril.

Kasalukuyan parin hanggang sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Ilagan sa naturang pamamaril.

Facebook Comments