Kagawad sa Negros Oriental, patay matapos barilin ng hinihinalang NPA

Sa gitna ng umiiral na general community quarantine, isang barangay kagawad sa Guihulngan City, Negros Oriental ang pinagbabaril ng mga umano’y kasapi ng New People’s Army (NPA) nitong Miyerkoles.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Elpedio Julwar, 65-anyos, residente ng Barangay Planas sa nabanggit na siyudad.

Ayon sa imbestigasyon ng Negros Oriental Police Provincial Office (Norppo), nagpapastol ng baka sa kaniyang bukirin si Julwar nang lapitan siya ng mga suspek at biglang pagbabarilin.


Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na agad niyang ikinasawi.

Bago umalis ang mga armadong lalaki sa lugar, sinabi nilang “nagpapagamit” sa pamahalaan at militar ang biktima.

Si Julwar ang ikaapat na barangay kagawad na pinaslang sa Guihulngan City simula noong Mayo 10.



Facebook Comments