Kagitingan ng SAF 44, Ginunita ng Police Regional Office 02!

Cauayan City, Isabela – Binigyang pugay ng Police Regional Office 02 (PRO2) Tuguegarao City ang kabayanihan ng mga miyembro ng Philippine National Police Special Action Force o SAF44 na nasawi sa Mamasapano sa Maguindanao.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO2, nakiisa sila sa pagbibigay galang sa sakripisyo ng SAF 44 member na nagpakita ng katapangan at pinangunahan ito ni PNP Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario Espino.

Aniya, nagtungo sila sa heroes monument kasama ang mga kaanak ng anim na namayapang miyembro ng SAF na mula dito sa rehiyon dos upang mag-alay ng misa at dasal.


Samantala, hindi anya malilimutan ang ginawang kabayanihan ng SAF 44 at patuloy naman ang ginagawa ng gobyerno para makamit ang kanilang hustisya.

Facebook Comments