Mistulang kabute na nagsulputan ang mga stalls na nagbebenta ng mga prutas, “bilog-bilog sa new year” kaugnay ng pagsalubong ng bagong taon.
Madaling araw pa lamang ng December 30 ay abalang-abala na ang maraming mga negosyante na mag-install ng kanilang pwesto para maka-display ng iba’t-ibang uri ng prutas kamihan ay hugis bilog para sa lahat ng mamimili kaugnay ng nakasanayan ng tradisyon na sa pagsalubong ng bagong taon, mainam na maraming prutas na hugis bilog sa loob ng pamamahay.
Sa panayam ng DWNX kay Ate Joy, negosyante at tindera sa kahabaan ng Gen Luna St. sa Naga City, sinabi niya na pinaghandaan talaga nila ang okasyong ito para maraming mapagpiliang prutas ang mga mamimili. “Kung gusto po ninyo na quality at masarap ang mga prutas na inyong pagsasaluhan sa pagsalubong ng 2018, dito na kayo pumunta sa tabi ng kalsada sa harap ng Boning’s Trading at South Star Drug sa Gen. Luna St., Naga City, masayang panyaya ni Ate Joy.
Samantala, puno rin ng display ng mga prutas ang Naga City People’s Mall para sa murang mga prutas na nakaugalian ng bilhin ng sambayanan sa tuwing sasapit ang kapanahunan ng pagsalubong sa bagong taon.
Kalat din sa kwento ng mga fruit vendors na para maswerte ang pagpasok ng taon, mas okay raw kung 13 klase ng prutas ang maiipon sa hapag pagsapit ng bagong taon.
Kasama mo sa balita, RadyoMaN Rolly “KoyPre” Pecana, Tatak RMN!
Kahabaan ng mga Kalye sa Naga City, Puno ng mga Nagbebenta ng mga Prutas
Facebook Comments