Kahalagahan ng arbitral ruling, muling iginiit ni Pangulong Duterte sa 76th UN General Assembly

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapwa niya lider sa United Nations na walang anumang bansa sa mundo ang maaaring bumalewala sa kahalagahan ng arbitral award.

Sa kaniyang talumpati sa 76th session ng United Nations General Assembly (UNGA), binigyang-diin ng pangulo na kaisa ang Pilipinas sa pagtiyak na mananatili ang kapayapaan, seguridad at pag-unlad sa South China Sea.

Ayon sa pangulo, ang 2016 arbitral award sa South China Sea ay isang malinaw na direksyon patungo sa patas at win-win solution para sa lahat.


Muling iginiit ng pangulo na kailangang masolusyonan ang isyu ng agawang ng teritoryo sa South China Sea sa mapayapang paraan.

Facebook Comments