IM Pilipinas, kumpiyansang makakakuha ng suporta sa mga probinsya si Mayor Isko

266

Kumpiyansa ang Ikaw Muna (IM) Pilipinas na makakakuha ng malaking suporta mula sa mga lokal na opisyal sa iba’t ibang probinsya si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno-Domagoso.

Kasunod ito ng pormal na pagdedeklara ni Mayor Isko ng pagtakbo siya sa pagkapangulo sa halalan 2022.


Sabi ni IM Pilipinas National Convenor Bong Mangahas, tiwala sila sa kakayahan ni Mayor Isko na makapagbigay ng maayos na direksyon sa harap ng mga problemang kinahaharap ng bansa.

Inihalimbawa niya ang pagbibigay ng alkalde ng disenteng pabahay sa mga Manileñong walang tirahan at pagpapatayo ng mga pasilidad na aagapay sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Aniya, kung nagawa ito ni Mayor Isko sa Maynila ay magagawa niya rin ito sa buong bansa.

Facebook Comments