Kasabay na inapairal na Community Quarantine sa halos lahat ng bayan ng Bansa kasabay ng banta at pangambang hatid ng Corona Virus Disease 19 , nag-ikot sa mga barangay ng Buldon si Mayor Abolais Aratuc Manalao kasama ang mga elemento ng Marines, PNP at mga Health Workers para mas ipaunawa pa sa kanyang mga kababayan ang direktiba ng pamahalaan na manatili ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan.
Sakay ng 6×6 Military Truck, nilibot ni Mayor Manalao ang bawat sulok ng kanyang bayan para lamang mas ipaunawa ang kahalagahan ng pakikiisa sa Home Quarantine. Namahagi rin si Mayor Manalao ng mga flyers.
Kaugnay nito, hinihiling lamang ni Mayor Manalao sa kanyang mga kababayan ang pagsasakripisyo ng ilang araw, itoy para na rin sa kaligtasan ng nakakarami giit ng alklade.
Samantala, pinaghahandaan na rin ng LGU Buldon ang pamamahagi ng tulong sa kanilang mga kababayan, sa katunayan ayon pa kay Mayor Manalao ay naka standby ng ang mga bigas at iba pang relief items sa kanilang Comand Post.
Hindi na rin aniya kinakailangan pang lumabas ng kanilang mga tahanan ang kanyang mga kababayan dahil mismong ang LGU na ang bababa sa kanila para magpaabot ng ayuda.
Samantala, patuloy rin ang inisyatiba ng LGU Buldon para lalong lumakas pa ang pananampalataya ng mga ito sa dakilang lumikha, dahil wala aniyang mas hihigit pang may kapangyarihan para pumawi ng takot kontra sa Salot na karamdaman.
Noong araw ng byernes isang panalangin rin ang inalay ng LGU kasama ang mga Religious Sector ng bayan na humihiling na maprotektahan ang mga taga Buldon kontra COVID 19.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>