Kasabay ng isinagawang orientasyon tungkol sa Community Service-Oriented Policing (CSOP) System at MOA Signing sa Lungsod ng Cauayan sa pangunguna ng NAPOLCOM Region 2, sinabi ni PCol Michael Aydoc ng Police Community Affairs and Development Unit ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na mahalagang magkaroon ng magandang ugnayan ang kapulisan, simbahan at ng mamamayan kaya nabuo ang programang KASIMBAYANAN.
Layunin aniya nito na magkaroon ng pagkakaisa at mapalakas ang pananampalataya ng bawat isa.
Pinaliwanag ni PCol Aydoc na kung may Dios sa buhay ng tao ay matatakot itong gagawa ng krimen.
Nilinaw din nito na hindi relihiyon ang tinututukan ng KASIMBAYAN kundi tulungan ang mga tao na mapalapit sa Panginoon.
Sa kasalukuyan ay iniimplimenta na ito sa animnaput limang barangay sa Lungsod ng Cauayan na pinapangunahan ng mga itinalagang Pastor at ng Punong Barangay.