KAHALAGAHAN NG ORAL HEALTH SA BAYAN NG BAYAMBANG,PINAIIGTING NG RURAL HEALTH UNIT

Patuloy ang pagsulong ng Rural Health Unit Bayambang sa layunin nitong pahalagahan ang kamalayan ng publiko ukol sa oral health ng mga residente ng bayan bilang paggunita sa National Oral Health Month 2023.
Sa patuloy na pagsasagawa ng programang ito, umabot na sa 17 Barangay rito ang nabenipisyuhan ng programa at base sa monitoring ng RHU Bayambang, sinabi ni Dr. Paz Vallo, Municipal Health Officer, as of February 9, mayroon nang 603 na Bayambangueño day care pupils ang hinatiran ng dental services.
Bukod sa mga serbisyong ito, Ibinahagi rin sa mga batang ito sa pamamagitan ng lecture upang maiwasan ang iba’t-ibang sakit na maaaring makuha sa hindi wastong pangangalaga sa ngipin, gaya ng toothache, tooth decay, tooth cavities, mouth infections, at gum diseases.

Ilan lamang sa mga ibinahagi sa mga benepisyaryo ang lecture on oral hygiene, tooth brushing drill, fluoride application, at distribution of toothbrushes. |ifmnews
Facebook Comments