Kahalagahan ng pagkakaroon ng coping mechanism ngayong COVID-19 pandemic, iginiit ng DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng coping mechanism para maiwasan ang quarantine fatigue.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil wala masyadong ginagawa habang nasa bahay ay nagiging iritable ang karamihan at nawawalan din ng motibasyon.

Kasunod nito, pinayuhan ng kalihim ang publiko na magkaroon ng coping mechanism o yung tanggapin sa kanilang mga kalooban na hindi na babalik sa nakasanayan at dapat sumunod sa pagbabago ngayong new normal.


Hinikayat din ni Vergeire ang mga tao na manatiling konektado sa bawat isa kagaya ng pag-gamit ng social media para makausap ang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Itinuturing na mental health awareness month ang buwan ng Oktubre.

Facebook Comments