Kasunod ng malaking naitalang halaga ng pinsala sa mga produktong agrikultura sa lungsod ng Cauayan dulot ng bagyong Paeng, binigyang-diin ni City Agriculture Officer Engr. Ricardo Alonzo ang importansya at makukuhang benepisyo sa pagpapaseguro ng mga agricultural products.
Ayon kay Alonzo, mahalaga aniya na ang bawat pananim ng mga magsasaka ay naka-insure sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Bukod sa mga panananim, maaari din aniyang ipaseguro ang mga alagang hayop, palaisdaan at agricultural machineries.
Paliwanag nito na kapag naka-insure sa PCIC at nasalanta ng kalamidad ang mga pananim o alagang hayop at iba pa ay mayroong matatanggap na tulong o bayad pinsala mula sa nasabing ahensya ganun din sa gobyerno.
Payo nito sa mga magsasakang magpapa-insure na magtungo lamang sa City Agriculture Office para maasistehan at maicoordinate sa mga kawani ng PCIC.
Facebook Comments