Muling ipinaalala ng World Health Organization (WHO) sa mga bansa ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask ng publiko.
Ayon sa WHO, ito ay upang tuluyan nang mabawasan ang pagdami ng bilang ng mga nadadapuan ng Coronavirus.
Kasabay nito, sinabi ng WHO na ang mga medical mask ay dapat ilaan na lamang sa mga healthcare professional at mga taong positibo sa anumang sakit.
Habang maaring gumamit naman ang lahat ng non-medical o fabric mask.
Malaki ang paniwala kasi ng WHO na sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at social distancing ay nakakabawas ng kaso ng mga nadadapuan ng Coronavirus.
Facebook Comments