Kahalagahan ng pagtuturo ng sining at kultura, dapat palawakin pa ng mga guro ayon kay Education Secretary Leonor Briones

Muling iginiit ni Education Secretary Leonor Briones na palawakin pa sana ng mga guro ang patuturo ng sining at kultura sa kabila ng mga makabagong teknolohiya na natututunan ng mga estudyante.

Kasabay ng ika-121 anibersaryo ng Department of Education, sinabi ni Briones na bigyan sana ng pagpapahalaga ng bawat pilipino ang sarili nating sining at kultura kung saan huwag daw sana itong hayaang mawala.

Maisipan din daw ng mga guro na maghanap ng mga alternatibong paraan para malapit ang mga estudyante sa sining tulad ng pagpunta nila o panonood ng Noli me Tangere, El Filibusterismo, alamat ng Ibong Adarna at iba pang pilipinong palabas sa teatro.


Mas maigi din daw na dalhin ang mga estudyante sa mga libreng museum tulad Bangko Sentral Museum at Ayala Museum kung saan makikita daw dito ang iba’t-ibang paintings ng kasaysayan ng Pilipinas.

Responsibilidad din ng mga magulang, guro at iba pang institusyon na ituro ang pagiging nasyonalismo, kasama na ang sining at kultura sa murang edad pa lamang daw ng mga bata.

Facebook Comments