Kahalagahan ng pananatili ng PITC, pag-aaralan ng Senado

Isinulong ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na mapag-aralan ng Senado kung kailangan pa ang Philippine International Trading Corporation (PITC) na syang ginagawa ngayong tagabili ng mga kagamitan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Katwiran ni Lacson, ang ginagawa ngayon ng PITC ay trabaho na ng procurement service ng Department of Budget and Management (DBM) at maari ding gawin na mismo ng mga ahensya dahil mayroon silang kaniya-kaniyang Bids and Awards Committee.

Ipinunto rin ni Lacson na nagagamit ang PITC para mistulang mapigilan ang pag-realign ng pondo para sa mahahalagang proyekto.


Ipinaliwanag ni Lacson na nawawala na ang karapatan ng pamahalaan na gamitin ang pondo ng ahensya na hindi nito nagastos sa oras na ito ay maideposito na sa PITC.

Ipinapa-aral naman ni Senator Francis Tolentino ang papel ng PITC na itinatag noong 1973 para makipagkalakalan sa socially at centralized planned economics.

Ayon kay Tolentino, mahalagang liwanagin ang papel ng PITC kasunod ng impormasyon na mayroon pa itong subsidiary na tagabili ng mga gamot at bakuna na Philippine Pharma Procurement Incorporated.

Diin ni Tolentino, ito ay sa harap din ng planong ito ang bibili ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments