KAHALAGAHAN NG TRABAHO, BINIGYANG-DIIN NG DOLE REGION 1

Malaya man ang ating bansa marami ang bihag pa rin ng katotohanang hirap ang iba sa paghahanap ng trabaho.
Inihayag naman ni DOLE REGION 1 Director Exequiel Ronie Guzman ang kahalagahan ng pagkakaroon ng trabaho sa panahon ngayon.
Sa ngayon, aabot sa 2.06 milyong Pilipino ang walang trabaho, kung saan sinisikap ng tanggapan na matulungan.
Aabot naman sa 13,000 na bakanteng trabaho ang inaasahang mapunan sa paparatin na Araw ng Kalayaan Job Fair sa June 12 sa Rehiyon Uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments