Binigyang katwiran nina National Security Adviser Eduardo Año at US National Security Advisor Jake Sullivan ang kahalagahan ng transparency policy ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay makaraang mapag-usapan nina Año at Sullivan ang kamakailang marahas na aksyon ng China laban sa mga Pilipinong sundalo malapit sa Ayungin Shoal.
Ayon sa dalawang opisyal, mahalaga ang mapayapang solusyon sa mga sigalot kasabay ng pagsunod sa rules-based international order.
Binanggit din ni Año ang matatag na paninindigan ng Pilipinas na protektahan ang soberanya at karapatan sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Pinasalamatan din Año ang patuloy na suporta ng Estados Unidos at ang matibay na pangako nito sa alyansa ng dalawang bansa.
Facebook Comments