Kahalagahan ng waste segregation system, muling iginiit ng Manila LGU

Muling iginiit ng lokal na pamahalaan ng Maynila na importante na masunod ang waste segregation upang maiwasan ang mga nagaganap na pagbaha sa lungsod.

Ayon kay Mayor Honey Lacuna, kung magagawa ito ng bawat residente ay malaking tulong na ito sa kanila kung saam hindi na rin mahihirapan pa ang mga tauhan ng Department of Public Service sa pagkolekta nito.

Paraan na rin ito upang hindi kumalat ang mga basura at bumara sa daluyan ng tubig, mga kanal o imburnal.


Umaapela rin ang alkalde sa bawat Manileño na panatilihing malinis amg kapaligiran at itapon ng maayos ang mga basura upang hindi magkaproblema sa baha kapag malalas ang ulan.

Isa rin itong hakbang para maiwasan ang mga sakit at makahikayat ng mga turista at ibang negosyante na nais mamuhunan sa Maynila.

Paalala pa ni Lacuna, may umiiral na ordinansa hinggil sa pagtatapon ng basura kung saan tumulong sana ang bawat isa para maging maaliwalas at malinis ang buong lungsod.

Facebook Comments