PCG, kinastigo ang mga Pilipinong nagtatanggol sa aksyon ng China sa WPS

Kinastigo ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for West Philippine Sea Affairs Commodore Jay Tarriela ang mga Pilipinong umaaktong propagandista ng China.

Ayon kay Tarriela, kahit ano pa ang paniniwalang politikal — ang pagtatanggol sa mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS) ay pagta-traydor sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

Dagdag pa ni Tarriela, bagama’t kinikilala niya ang kalayaan sa pagpapahayag, pero hindi ito dapat gamitin para bigyang katwiran ang maling aksyon ng China.


Aniya, mahalagang ipakita ang katapatan sa bansa at magkaisa ang lahat na ipagtanggol ang interes ng bansa sa gitna ng mga nangyayari sa West Philippine Sea.

Giit pa ni Tarriela, ang yaman ng West Philippine Sea ay para lamang sa mga Pilipino.

Facebook Comments