Tiniyak ang kahandaan at disiplina ng mga naka-deploy na Civil Disturbance Management (CDM) personnel ng Police Regional Office 1 (PRO1) Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB1) sa pamamagitan ng briefing at pagbibigay ng mga tagubilin.
Pinangunahan nina PCOL Ireneo B. Dalogdog, Ground Commander, at PCOL Fidel de Guzman Junio, Contingent Commander, ang briefing para sa mga tauhan.
Binigyang-diin ang tamang asal, disiplina at pagsunod sa mga itinakdang patakaran habang nasa deployment.
Nakiisa rin ang mga tauhan ng Regional Medical and Dental Unit 1 (RMDU1) upang magbigay ng agarang pagsusuri at tulong medikal sa mga pulis kung kinakailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








