Monday, November 16, 2026

₱10.8K HALAGANG SHABU, NAKUMPISKA SA BUY-BUST SA NAGUILIAN, LA UNION

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱10,880 sa isang buy-bust operation sa Barangay Ortiz, Naguilian, La Union noong gabi ng Nobyembre 13, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Naguilian Municipal Police Station (MPS) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1.

Nakumpiska sa suspek, na residente rin ng Naguilian, ang tinatayang 1.66 gramo ng hinihinalang ilegal na droga.

Isinagawa sa lugar ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga ebidensya sa presensya ng suspek at mga saksi. Naitala rin ang operasyon gamit ang dalawang body-worn camera.

Dinala ang suspek sa Naguilian MPS para sa dokumentasyon at isinailalim sa medical examination sa Naguilian District Hospital. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments