Ayon kay Dr. Alfredo Gumaru Jr., Schools Division Superintendent ng SDO Cauayan City, halos nakahanda na ang mga gagamiting pasilidad at equipment sa sports complex at nakapag simula na rin sa pagsasanay ang mga manlalaro ng Lungsod ng Cauayan.
Maging ang mga gagamiting billeting quarters ng mga delegado ay nakahanda na rin kung saan tinatayang aabot sa dalawang libong delegado mula sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon ang inaasahang lalahok sa naturang aktibidad.
Sa ngayon ay puspusan na ang ginagawang training ng ilang delegasyon at atleta sa sports complex habang ang delegado naman ng ibang probinsya ay inaasahang darating ngayong Linggo.
Samantala, maaari namang manood sa naturang event pero kailangan lamang magpakita ng vaccination card bago payagang makapasok sa Sports Complex.