Kahandaan sa El Niño phenomenon, dapat tiyakin upang hindi maulit ang 2019 water crisis

Kinalampag ngayon ni House committee on Metro Manila Development Vice Chairperson at Quezon City Rep. Marvin Rillo ang Maynilad at Manila Water.

Ito ay para puspusang paghandaan ang El Niño phenomenon o tagtuyot upang matiyak na hindi mararansan muli ang nangyaring water crisis noong 2019 lalo na sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya.

Tinukoy ni Rillo ang babala ng PAGASA na magsisimulang maranasan ang El Niño sa bansa sa mga buwan ng July-August-September hanggang sa taong 2024.


Ayon kay Rillo, base sa pahayag ng PAGASA ay bumababa na ang water level sa Angat Dam at pinangangambahan na matulad ito sa nangyari noong 2019 kaya naaapektuhan ang pagsuplay nito ng tubig sa 90 percent ng Kalakhang Maynila at ilang lugar sa Central Luzon.

Diin ni Rillo, kahit hindi maging matindi ang nakaambang El Niño ay inaasahang magkakaprobelma pa rin sa suplay ng tubig dahil mas tumaas ang pangangailangan dito kumpara sa mga nakaraang taon kaya mahalagang magkaroon ng sapat na preparasyon.

Facebook Comments