Mataas na performance rating, nakamit ng Kamara dahil sa masipag na liderato at magagaling na mga miyembro

Ikinalugod ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., ang mataas na satisfaction ratings na nakamit ng Mababang Kapulungan sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS.

Para kay Barzaga, ang mataas na public satisfaction ratings ay bunga ng pagkakaroon ng Kamara ng masisipag at produktibo na mga leader sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Sabi ni Barzaga, ang kanilang galaw sa Kamara ay umaayon sa kumpas ni Speaker Romualdez na palaging prayoridad ang pagpasa ng mahahalagang mga panukalang batas na para sa kapakanan ng bansa at mamamayang Pilipino.


Binanggit pa ni Barzaga na siniskap din ng Kamara na makasunod sa layunin at mga target na inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang unang State of the Nation Address.

Bunsod nito ay natutuwa si Barzaga na nakikita ng taumbayan ang kanilang mahusay na pagtatrabaho alinsunod sa kanilang sinumpaang tungkukin at mandato.

Facebook Comments