KAHANDAAN TUWING MAGKAKAROON NGSAKUNA, PINAIIGTING SA BAYAN NG MANAOAG

Isa umano sa unang prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ay kanilang pagkakaroon ng epektibong kahandaan sa maaaring tumama na mga sakuna ano mang oras at kahit saan man kaya naman lalo pa nilang pinaiigting ang kanilang kasanayan at kaalaman ukol sa usapin na ito.
Kamakailan ay nagsagawa ng pagsasanay ang lokal na pamahalaan ukol sa Understanding Risk Exposure Maps alinsunod ito sa Department of Environment and Natural Resources- Mines and Geosciences Bureau.
Ang pagsasagawa ng ganitong pagsasanay ay tumutuon sa pagkakaroon ng pang-unaw sa data sa mga lugar na nasa panganib tulad ng pagguho ng lupa at pagbaha sa isang lokal na munisipyo.

Sa pamamagitan rin ng pagsasanay na ito ay makakuha rin ng higit na kaalaman para mas maging epektibo sa pagbabawas ng pinsala at nang maiwasan rin ang mga casualties na posibleng mangyari.
Importante na malaman ito ng mga pangunahing tumugon sa panahon ng kalamidad tulad ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at Rural Health Unit (RHU) nang sa gayon ay mas maging alerto sila sa tuwing magkakaroon ng sakuna.
Umaasa naman ang alkalde ng bayan sa higit pang mga aral mula sa bureau at iba pang ahensya na makakatulong sa pag-aayos at pagkakaroon nila ng epektibong serbisyo publiko. |ifmnews
Facebook Comments