Kahera, Arestado sa Kasong Pagnanakaw!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang kahera na wanted sa batas matapos itong silbihan ng kanyang warrant of arrest sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Valerie Cristobal, 30 anyos, may asawa, tubong Brgy. Amurao, City of Ilagan at nanunuluyan sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Si Cristobal ay nahaharap sa kasong Qualified Theft at may kaukulang piyansa na Php120,000.00.


Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapagpiyansa ng nasabing halaga.

Facebook Comments