Pagtanggap Ng Pamilya Ng Pma Graduates Hindi Malamig Ayon Sa Palasyo

21

MANILA – Itinanggi ng palasyo ng malacanang na naging malamig ang pagtanggap kay Pangulong Noy-noy Aquino ng mga pamilya ng mga nagtapos sa Philippine Military Academy.Kahapon kasi sa graduation ng gabay-laya class of 2016 sa Fort Gregorio Del Pilar sa Baguio City ay napabalitang mas pinalakpakan pa ang pagdating ni Vice President Jejomar binay kaysa sa pagdating ni Pangulong Aquino.Ayon kay presidential communications operations secretary sonny coloma, napatunayan naman ng mga nakasaksi sa pma graduation ang maalab na pagtanggap sa pangulo.Masigla din aniyang pinalakpakan ng mga dumalo sa graduation ang talumpati ni Pangulong Aquino.Batay sa ulat, naalala umano ng mga pamilya ng mga nagsipagtapos sa PMA ang naging kapabayaan umano ng pangulo sa mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 na miyembro ng philippine national police special action force sa kamay ng nga rebeldeng Muslim.

Facebook Comments