Kahilingan ni Senator Franklin Drilon na pag-relieve kay Caloocan City Prosecutor Darwin Canete sa kaso ng pagpatay kay Kian delos Santos, binasura ng DOJ

189

Manila, Philippines – Binasura ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang kahilingan ni Senator Franklin na i-relieve si Caloocan City Prosecutor Darwin Canete sa paghawak sa kaso ng pagpatay kay Kian delos Santos.

Bunga ito ng mga post ni Canete sa kanyang Facebook account na nagpapahayag ng pagkatig sa extra-judicial killings.

Ayon kay Aguirre, hindi niya maaring i-relieve si Prosecutor Canete dahil unang-una hindi naman ito ang may hawak sa nasabing kaso.


Pangalawa aniya, wala pa namang naiaasampang kaso hinggil sa pagkakapatay kay Kian sa anti-drugs operation.

Sinabi pa ni Aguirre na nais din niyang magkaroon ng patas na imbestigasyon sa pangyayari kaya ipinag-utos niya sa NBI ang pagsasagawa ng parallel investigation.

Facebook Comments