Kahilingang live coverage sa promulgation sa Maguindanao massace case, tatalakayin!

262

Tatalakayin bukas ng mga mahistrado, sa Supreme Court En Banc Session ang kahilingan  ng media groups na live coverage sa pagbaba ng hatol sa mga akusado sa Maguindanao massacre case sa December 19.

Ito ay matapos na pormal na magsumite ng rekomendasyon ang Supreme Court Public Information Office at ang Office of the Court Administrator.


Kinumpirma naman ni Chief Justice Diosdado Peralta na hindi naman humingi ng dagdag na seguridad ang kanyang dating estudyante na si Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes na siyang may hawak sa kaso.

Wala rin aniyang pinaabot si Solis hinggil sa posibleng banta sa buhay nito.

Hanga rin ang punong mahistrado sa aniyay pagiging patas ni Judge Solis-Reyes sa paghawak ng kaso.

Gaganapin ang promulgation sa Maguindanao massacre case sa Quezon City RTC-Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Facebook Comments

From Advertisers