Haka-haka lamang ang kahirapan sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon sa mga nagsasabing napakahirap ng buhay sa bansa.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Gadon na imahinasyon lamang ng mga ito na mahirap sila.
Makikita naman aniya ang dami ng tao na nasa mga mall at fast food chains at marami na rin ang nakakabili ng sasakyan na nagdudulot pa nga ng mabigat na trapiko.
Nangangahulugan aniyang itong mataas na ang purchasing power ng mga Pilipino at maganda ang ekonomiya ng bansa.
Kaugnay nito, ibinida rin ni Gadon na bumaba ang poverty incidence sa Pilipinas sa 23.4%, mula sa 24.7% noong nakaraang taon.
Facebook Comments