Manila, Philippines – Isinisisi na ngayon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa sa pagkatao ng isang pulis ang patuloy na paggawa ng katiwalian ng kanyang mga kabaro.
Ito ay kahit na malaki na ang itinaas ng sweldo ng kanilang hanay ngayong taon.
Ayon kay Dela Rosa, kahit pa sumahod ng milyon-milyon ang isang pulis at patuloy na masangkot sa katiwalian ay may problema na ito sa pagkatao.
Kaya naman solusyon aniya dito ay agad na masibak sa serbisyo ang mga pulis na mapapatunayang nasangkot sa katiwalian.
Mensahe ni Bato sa mga tiwaling pulis na wala silang puwang sa organisasyon at dapat aniya mahiya ang mga ito.
Kaninang madaling araw anim na kotong cops ang naaresto ng PNP Counter Intelligence Task Force o CITF sa Nueva Ecija matapos maaktuhang nangongotong sa mga bumabyaheng negosyante.