Manila, Philippines – Hinihintay na lang ng Department of Social Welfare and Development ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa grupong Kadamay (Kalipunan ng Damayang Mahihirap) na patuloy na nagpo-protesta kaugnay ng eviction notice na ibinigay sa kanila ng National Housing Authority matapos nilang pwersahang okupahin ang mga pabahay sa Pandi, Bulacan.
Ayon kay DSWD Sec. Judy Taguiwalo, kahit wala pang isinasagawang cabinet meeting, naniniwala siyang hindi naman ipagkakait ni Pangulong Duterte ang tulong sa mga mahihirap tulad ng Kadamay.
Kaya hangga't maaari ay huwag nang gumamit ng dahas ang militanteng grupo dahil handa namang tumulong ang gobyerno ng walang nagaganap na karahasan at kung nasa katwiran naman ang kanilang pinaglalaban.
Mandato naman ng DSWD ang tulungan ang mga mahihirap at siniguro rin ng kalihim na aalamin niya kung bakit nangyayari ito.